Filipino: Wika ng Saliksik
Ang Wika ay isang napakahalagang bahagi ng ating pagkatao. Bahagi ng ating bansa na nagbubuklod sa atin kasama ang ating kapuwa. Isang lubid na nagpapatibay sa ugnayan ng bawat isa sa isang bansa. Wika na nagdudugtong sa atin sa ating kapuwa upang maunawaan natin ang isa't isa. Isang pakikipagtalastasan na kailangan nating gamitin araw-araw upang ipahayag ang nais natin. Ang paggamit ng sariling wika ay isang pagpapakita ng pagmamahal sa ating bansa.
Ngayong Agosto, atin na namang ipagdiwang ang buwan ng Wika na ang tema ay "Filipino: Wika ng Saliksik". Ang tema ay may layunin na sa pamamagitan ng ating wika tayo sana ay magsaliksalik ng mga makabagong pamamaraan para sa pag-unlad ng ating bayan. Sa pamamagitan ng ating wika tayo ay maging isa sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. At ang temang ito rin ay nagsasabi sa bawat tao na sa pamamagitan ng ating wika ating saliksikin ang sagot sa bawat tanong ng ating kaisipan upang mapalawak ang ating nalalaman.
Sa panahon ngayon dapat tayo ay maging matalino sa pagsasaliksik ng mga bagay gamit ang ating wika upang madagdagan ang ating mga nalalaman. Ating yakapin at ipagmalaki ang ating sariling wika dahil ito ang magiging daan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.

References:
https://kairacom.files.wordpress.com/2016/09/bigstock-group-of-people-waving-filipin-73112371-11.jpg
https://kairacom.files.wordpress.com/2016/09/bigstock-group-of-people-waving-filipin-73112371-11.jpg
oo tama, mahusay alona!
ReplyDeleteMahusay! Napakaganda ang artikulong iyong ginawa!
ReplyDeleteMagaling! Ipagpatuloy mo lang iyan
ReplyDeleteMAHUSAY! napakaganda ng artikulong iyong ginawa
ReplyDelete