Gadgets
Sa panahon ngayon na may maunlad na tayong teknolohiya, marami ng mga bagay na nagpapadali ng ating mga gawain. Sa paggising hanggang sa pagtulog, tinutulungan tayo ng teknolohiya. May mga gadgets na naglilibang at tumutulong sa atin. Napakarami nga namang magandang hatid ng teknolohiya sa atin pero alam pa ba natin kung paano ang wastong paggamit nito?
Sa kasalukuyan, dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya naglabasan na ang mga gadgets. Gadgets na kinahuhumalingan ng lahat at nagsulputan na rin ang iba't ibang anyo nito. Bata man o matanda gumagamit na ng mga gadgets. Marami na ang nahuhumaling dito pero dapat pa rin na alam natin ang limitasyon sa paggamit dito. Mas mabuti pa ring makihalubi at huwag palaging gadgets ang hawak. Gamitin ang gadgets sa wastong paraan o sa paglago ng ating sarili. May mga kabataan ngayon na sa sobrang hilig sa gadgets nakakaligtaan na ang wastong pangangalaga sa sarili at sa pakikipag-ugnayan. Huwag abusuhin ang sarili sa paggamit ng gadgets.
Gamitin ang gadgets tungo sa malawakan at makalingang pakikipag-ugnayan sa kapwa at sa pamilya upang tayo ay mas maging maunlad.
References:
http://pluspng.com/img-png/png-gadgets-cell-phone-repair-frisco-tx-551.png
https://us.123rf.com/450wm/jemastock/jemastock1803/jemastock180305406/97390903-stock-vector-using-smartphone-for-social-media-vector-illustration-graphic-design.jpg?ver=6
References:
http://pluspng.com/img-png/png-gadgets-cell-phone-repair-frisco-tx-551.png
https://us.123rf.com/450wm/jemastock/jemastock1803/jemastock180305406/97390903-stock-vector-using-smartphone-for-social-media-vector-illustration-graphic-design.jpg?ver=6
No comments:
Post a Comment